Nitong Enero 27, umakyat na sa warrants stage ang proseso sa International Criminal Court o ICC. Itutuloy na ang imbestigasyon sa mga pagpatay noong kasagsagan ng war on drugs, pati sa mga pagpatay sa Davao City noong mayor pa roon si Duterte. True to form, umapir muli si Digong at nagpuputak laban sa mga paborito niyang pitikin – ang mga oligarchs at pangunahing negosyante ng bansa. Pero napansin mo bang hindi naman nangatog ang mga oligarch sa bago mong patutsada? Mr. Duterte, nagbago na ang ihip ng hangin. Ang balik ng kanyang dating spokesman na si Harry Roque, “He won’t...