Malaking palaisipan ang kambal na alaala natin sa Martial Law: ang isa’y madilim at nakapangingilabot, at ang isa’y tila alamat ng masaya at marangyang buhay. At bakit bulnerable tayo – sa wikang Ingles “sucker” – sa ganitong mga kuwentong kutsero? Pakinggan natin si Dr. Maris Diokno na sinuri ang kabalintunaang ito. Sabi niya, umiral ang dalawang kuwento ng Martial Law dahil nagkaroon ng deniablity ang estado at walang access sa mga safehouse at kulungan ang kontroladong midya at ordinaryong mamamayan. Mga tinortyur at mga torturer lang ang nakaaalam ng buong kuwento. Sabi pa ni Diokno, ang trauma ng Martial Law...